Name:
Location: Quezon City, Philippines

ako si mark lawrence ricafrente quindoza pwedeng tawaging mark, lawrence mlq kahit ano wag lang quindoza saka nickname ung hindi related sa pangalan ko saka sana walang gumagawa ng org na nagpapauso na tawagin ako sa aking buong pangalan ako ay may student # na 2005-04774, kumukuha ng kursong BS ECE, kabilang sa Department of EEE na isang departamento ng College of Engineering sa UP. isang batang makulit, pasaway at walang magawa sa buhay na mahilig manggulo at magpasakit ng ulo ng iba. isang estudyanteng tamad at hindi gumagawa ng mga dapat gawin. isang taong madalas nalalate sa usapan isang tao na kapag ayaw gawin ang isang bagay ay hindi talaga ginagawa. isang taong mahiyain... isang taong mahilig dumaldal isang taong matampuhin isang taong pikon isang taong mapanakit isang taong walang magawa isang taong pag may exam ay nagaaral aralan lang isang taong mahilig manlibre pag may pera(wala ako ngayon, next time na lang)

Monday, August 07, 2006

bAd dAy...


August 8, 2006
3:02 am

hindi naging maganda ang araw ko kahapon...

  • una, wala kaming panpil. ok lang sana eh, at least makakagawa ako ng pang boardwork sa math. pagdating ko sa math, wala rin pala ung prof ko. kung alam ko lang eh di sana nung oras pa lang ng panpil eh nakapagreview na ako para sa exam sa EEE11. pero sige, ok lang, may time pa naman akong natitira.
  • exam sa EEE11, wala akong nasagot na matino maliban dun sa unang tanong. bakit kahit nag-aral naman ako eh hindi ko pa rin nasagot ung mga question. tapos wala pang 1 hour after magstart ng exam eh nagsisimula ng magpasa ng test papers ang mga kaklase ko. di ko alam kung ganun talaga kadali ang exam or familiar na kasi sila sa ganung exam kasi 2nd take na nila?
  • wala halos nadagdag sa pirma ng sigsheet ko. kaawa awa naman ako...
  • me nangyari sa akin sa tambayan, wala lang, di naman ako bitter dahil dun...
  • hindi pa ako nakakapagpraktis ng rapelling... practicals na namin bukas. wahhh...
  • ayun, nafeel ko na naman yung hindi ko gustong nararamdaman ko. ung feeling na pasan ko ang bigat ng mundo. parang napakahaggard day kahapon kahit na ang sked ko ng monday ay maluwag...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home