mArk LawRenCe

Name: mArK LaWreNce
Location: Quezon City, Philippines

ako si mark lawrence ricafrente quindoza pwedeng tawaging mark, lawrence mlq kahit ano wag lang quindoza saka nickname ung hindi related sa pangalan ko saka sana walang gumagawa ng org na nagpapauso na tawagin ako sa aking buong pangalan ako ay may student # na 2005-04774, kumukuha ng kursong BS ECE, kabilang sa Department of EEE na isang departamento ng College of Engineering sa UP. isang batang makulit, pasaway at walang magawa sa buhay na mahilig manggulo at magpasakit ng ulo ng iba. isang estudyanteng tamad at hindi gumagawa ng mga dapat gawin. isang taong madalas nalalate sa usapan isang tao na kapag ayaw gawin ang isang bagay ay hindi talaga ginagawa. isang taong mahiyain... isang taong mahilig dumaldal isang taong matampuhin isang taong pikon isang taong mapanakit isang taong walang magawa isang taong pag may exam ay nagaaral aralan lang isang taong mahilig manlibre pag may pera(wala ako ngayon, next time na lang)

Friday, August 11, 2006

anG laMig.....

August 12, 2006
1:17 pm

ang lamig dito sa EEE11... klase ko ngayon, kaso wala pa ung prof kaya nananamantala muna ako ng gamit ng internet dito. hahahaha... nakakaasar, marami pa palang mali ung code ko, akala ko ok na... ang lamig talaga, hirap ngang magtype. ang tagal nung prof namin. kainip. extended ung MP namin, mabuhay si sir!

nasa geog camp sila xy ngayon, nakakainggit.. heheheh...

nag iinternet din mga kaklase ko hehehe...

hindi ako sanay gumamit ng computer dito, linux ang OS.. wahahaha... pero sabi nila mas maganda daw itong gamitin kumapara sa Windows...

ang lamig lamig talaga....

Tuesday, August 08, 2006

kaHapOn...

August 9, 2006
11:44 am

wala na naman akong magawa sa buhay ko kaya andito na naman ako at nagttype ng blog ko...
tungkol lang naman ito sa mga kaganapan sa buhay ko kahapon..

  • boardwork namin sa math kahapon. muntikan pa akong malate(actually, late na nga ako). nagtaxi pa ako papunta ng math galing ng pantranco. haayyy... taghirap na nga ako tapos pataxi taxi pa akong nalalaman. pagdating ko sa math, as expected, puno na ung blackboard at wala na akong masusulatan... kaya ayun nagpasa na lang ako ng 1/4 sheet of yellow pad sa prof ko para sa boardwork ko...
  • pagkatapos ng math ay nagpunta ako sa main library. nakita ko dun sina jeff, lop2 at kim. may pinasagot si kim na problem. di rin naman namin nasagot. wahahahaha...
  • bago mag MPs ay sinundo ko pa si xyza (magkaklase kami eh) nalate pa nga kami eh. diniscuss ung writing ... ok lang. medyo inaantok nga lang ako. buti na lang at medyo naiinitan ako kaya nanatili akong gising.
  • nagkita kita kami nila ronel at lop2 sa 1st floor ng AS. pupunta daw ng city hall si ronel, sumama naman ako. bago kami nagpunta ng city hall ay kumain muna kami ng aming ever favorite na siomai meal. naikwento ni ronel na may offer nga daw sa kanya papuntang ukraine. kaya pala kami puntang city hall. di na ako nakapasok ng geog.
  • pagbalik namin sa peyups, nakita uli namin si jeff tapos tumambay kami sa sunken garden. inantay namin si ses dun. habang nag-aantay ay dumating si lola na suki namin ng lumpia. pagdating ni ses, nagyaya siya sa katips. si ronel lang ang sumama hahahah...
  • pumunta ako ng 3rd world.pagkatapos, hinatid ko na sila xy at ate renz sa molave. aun. dumiretso na ako sa EEE para sa batch election namin sa circuit.

aun lang naman ang nangyari sa akin kahapon.

Monday, August 07, 2006

bAd dAy...


August 8, 2006
3:02 am

hindi naging maganda ang araw ko kahapon...

  • una, wala kaming panpil. ok lang sana eh, at least makakagawa ako ng pang boardwork sa math. pagdating ko sa math, wala rin pala ung prof ko. kung alam ko lang eh di sana nung oras pa lang ng panpil eh nakapagreview na ako para sa exam sa EEE11. pero sige, ok lang, may time pa naman akong natitira.
  • exam sa EEE11, wala akong nasagot na matino maliban dun sa unang tanong. bakit kahit nag-aral naman ako eh hindi ko pa rin nasagot ung mga question. tapos wala pang 1 hour after magstart ng exam eh nagsisimula ng magpasa ng test papers ang mga kaklase ko. di ko alam kung ganun talaga kadali ang exam or familiar na kasi sila sa ganung exam kasi 2nd take na nila?
  • wala halos nadagdag sa pirma ng sigsheet ko. kaawa awa naman ako...
  • me nangyari sa akin sa tambayan, wala lang, di naman ako bitter dahil dun...
  • hindi pa ako nakakapagpraktis ng rapelling... practicals na namin bukas. wahhh...
  • ayun, nafeel ko na naman yung hindi ko gustong nararamdaman ko. ung feeling na pasan ko ang bigat ng mundo. parang napakahaggard day kahapon kahit na ang sked ko ng monday ay maluwag...

Sunday, August 06, 2006

One day, isang araw...


AUGUST 7, 2006
2:39 am

haaayyy, dapat ay nag-aaral na ako ngayon, pero wala pa rin ako sa mood... malapit nang natapos ang free access ko sa internet pero wala pa rin akong napagaaralan. may exam kami mamaya sa EEE11 at wish ko lang eh pumasa ako. may MP pa nga pala akong dapat gawin pero hindi ko pa rin nagagawa. ano bang nangyayari sa buhay ko... may boardwork pala kami mamaya sa math at koknti pa lang ang nasasagutan kong problem. kailangang makipag-unahan para makapili ako ng sasagutin. inaantok na ako pero hindi pa pwedeng matulog.
kaya eto, nakatanga ako sa harap ng computer at nag-iisip kung ano ang magandang gawin sa buhay ko. di bale na nga, next time ko na lang iisipin yun, ang uunahin kong isipin ay ang exam namin mamaya sa 11. paano kaya ako papasa kung di naman ako nag aaral... bakit ba kasi kelangan pa ng mga exam? masakit sa ulo ang magreview. pero wala naman akong magagawa kasi kahit ayaw ko man ng exam, eh kelangan ko pa ring kumuha nun at mag-review.
  • nagugutom na ako, pero walang makain dahil walang laman na makakain ang ref namin. uminom na lang ako ng tubig kaya lang, sumakit din ang tiyan ko dahil sa lamig. gusto kong magkape pero tinatamad akong mag-init ng tubig. tulog pa ang mga tao dito sa bahay at ako lang mag-isa ang gising.
  • sana may superpowers ako. sana kaya kong maging invisible. sana kaya kong lumipad. o di naman kaya magteleport para sandali lang ang kelangan kong oras para madali akong makapunta sa mga building at hindi na ako laging nalalate sa math...
  • kailan kaya ako magkakaroon ng talento sa pagsusulat? nakakabaliw, may subject akong malikhaing pagsulat pero hindi naman ako magaling magsulat. bakit ko nga ba kinuha yun? pero ok lang, ok din lang naman ung prof eh, ung prof ko rin sa panpil.
  • gusto kong damputin ang telepono at tawagan ang mga tao, ngunit naalala kong madaling araw pa lang pala at makakabulahaw ako sa kanilang mahimbing na pagkakatulog kaya wag na lang.
  • kahit 3 araw na ang lumipas, babati uli ako. HAPPY BIRTHDAY XYZA!!! sana naging maligaya ang pagdiriwang mo ng ikalabingwalong taon ng pagkabuhay mo sa mundo. sana nagustuhan mo ung mga binigay ko. sana matupad lahat ng pangarap mo sa buhay. sana lagi kang maging masaya. pakialagaan nga pala ng mabuti si grazee.

hanggang dito na lang nga muna ang post ko. mag-aaral na ako (pero maglalaro lang talaga ako). :)